"May mga pagkakataong ang hirap magdecide kung ano ba mas pipiliin mo lalo na kung parehas importante sa’yo ang pagpipilian."


4 notes ! Reblog ! 1 week ago

Hindi ako karapat dapat magreklamo sa kadahilanang hindi pa naman ako bumoto, ngunit isa din akong Pilipino na may care sa bansa natin. Usong-uso ang Political Dynasty sa Pilipinas, jusko po! Bakit ganun? Ang mga kasalukuyang nangunguna kasi ngayon sa bilang ay yung mga may kaapelido na sa pulitika. Hindi ko maintindihan bakit nagkakaganun sa ating bansa. Hay, ayos lang naman sanang Political Dynasty tayo eh kaso wala eh, magkakamag-anak na nga silang lahat wala pa ring nagagawang matino sa ating bansa! Bakit hindi pinagbigyan ng mga botante ang mga taong hindi naman ganun kakilala ang apelido ngunit marami namang magagawa sa senado? Nakakayamot talaga. Yung nagtop 5 pa kasi, yung talagang may kaapelido eh. Samantalang sina Gordon, Hontiveros at Hagedorn,magagaling naman pero nahuhuli. Saya magjoke ng mga boto eh, sana lang talaga makatulong yang mga mananalong bagong senador na yan sa ikakaunlad ng ating bansa. Basta ako kapag naging botante na sisiguraduhin ko na ang boto ko ay mapupunta sa taong karapat dapat, sa alam kong may mapapala tayo. Minsan na nga lang tayo magkaroon ng pagkakataon para makapagpaupo ng mga tao sa mahalagang pwesto sa ating bansa, hindi pa matino ang nagiging resulta.


5 notes ! Reblog ! 1 week ago
Siya nga pala yung bespren kong sinasabi kong magaling magdrawing. Hahaha. Medyo hawig niya ngayon si Vhong Navarro. Grabe, gusto ko na siyang makita at makaduet sa pagkanta. Namimiss ko na talaga siya.

Siya nga pala yung bespren kong sinasabi kong magaling magdrawing. Hahaha. Medyo hawig niya ngayon si Vhong Navarro. Grabe, gusto ko na siyang makita at makaduet sa pagkanta. Namimiss ko na talaga siya.


15 notes ! Reblog ! 1 week ago

"Wala na akong pakealam sa’yo."

-Samahan mo ng ngiting panalo, para ramdam niya :)
20 notes ! Reblog ! 1 week ago

Sanay na akong binaliwala mo. Ayan tuloy, nakahanap na ako ng iba. Siguro nga medyo nagpakabaliw ako sa’yo. Pinaglaanan ka masyado ng oras ko, masyado nga siguro kitang pinageffortan kaya ayun, nasanay kang lagi akong nandyan kaya dumating na sa puntong akala mo hindi ako mapapagod kakaeffort para sa’yo kaya binaliwala mo ako, ‘yun nga lang nakalimutan mong tao ako, marunong mapagod lalo na kapag nasasaktan. Wala eh, napagod na ako. Hindi ko masasabing tuluyan na kitang iiwan kasi naging parte ka pa rin naman ng buhay ko pero, tandaan mo, hindi na magiging tulad dati na palagi akong nandyan para sa’yo para baliwalain mo. Siguro sa paglayo ko, tsaka mo mapapagtanto na dapat di mo hinayaang malayo ang loob ko sa ginawa mo, pero hanggang siguro lang naman ‘yun, malay ko ba kung wala talaga akong halaga sa’yo. Basta hanggang dito na lang, wala na akong pakialam sa’yo. Napapagod din ang taong nababaliwala, dahil nasasaktan din yan.


7 notes ! Reblog ! 1 week ago

Made by my high school best friend. He’s so awesome. Gad, I miss him so much. It’s been a year. I hope before summer ends, I’ll be able to see him.


8 notes ! Reblog ! 1 week ago

Aanhin ang madaming pera kung hindi naman kayo magkasundo ng mga magulang mo? Karamihan sa mga pamilya ngayon ganyan na eh. Walang time ang mga magulang sa anak, busy kasi sila sa pagpapadami ng pera. Handa silang mangibang bansa, umuwi nang gabing gabi, at di makasabay ang mga anak sa hapag kainan. Sabi nga ng iba, kapag daw nakakasabay mo sa hapagkainan mas lumalalim daw ang samahan ng pamilyang yon, dahil sa lamesang ginamit nila nabubuo ang lahat ng kwento ng mga naganap sa araw nila, nagaganap din doon ang mga pangaral ng magulang at ang pagbibigayan ng buong pamilya sa simpleng pag-abot ng isang putake sa miyembro nila. Nasasabi ko ang lahat ng ito, dahil based on my own experiences ang lahat, hindi ko nakakasabay ang mga magulang ko sa hapagkainan at kanya-kanya kami ng oras ng kain kasi kung maghihintayan pa kami titirik ang mata ng gutom na. Oo, may kaya ang pamilya namin. Sapat ang kita ng mga magulang ko para sa pang-araw araw naming kailangan, naibibigay ang aming mga luho ngunit, minsan ko lang sila makausap na tipong serious talk. Hindi pa ako nakakapagshare ng problema ko sa nanay ko o tatay, madalas sa pinsan o kaibigan ako nagsasabi. Ang hirap kasi nilang kausapin, madalas silang busy sa trabaho o business. Tapos kapag napapagalitan ako, tatanong sa akin “ano pa bang kulang? Lahat naman naibigay na namin sayo.” Ang tanging maisasagot ko lang ay time pero di ko sila masisis para sa amin naman talaga yon. Lumaki kasi ako sa piling ng mga katulong eh, sa piling ng tita ko at yung mga magulang ko, taga supply lang ng mga pangangailangan ko, taga sermon.
Hindi ko naman talaga kailangan ng mayamang magulang, di ko kailangan ng maraming pera. Oras nila ang kailangan ko para kung may problema ako sila ang mismo kong matatakbuhan pero hindi eh. Buti na nga lang nandyan si God pati ang mga kaibigan ko, sila nakakadamay ko. Sa bandang huli, maswerte pa rin naman ako sa mga magulang ko kasi alam kong hindi nila kami papabayaang makaranas ng hirap at naipaparamdam naman nila kahit papano na mahal nila kami sa pamamagitan nang pagbigay sa amin ng mga bagay na gusto namin, kahit na hindi pa rin sapat lahat ng materyal na yon sa oras na hinihingi ko lang sa kanila.


5 notes ! Reblog ! 2 weeks ago

Drama ng mga tumblr famous.

baliwnabaste:

paaaaatricialicious:

umaasapadin:

  • Hindi nagfofollow back.
  • Araw-araw may nakaka-fc.
  • Malakas ang loob magcover ng kanta.
  • Malakas ang loob gumawa ng isang milyong GIFS.
  • Maraming groups.
  • Kasama sila sa TUMBLR CRUSHES ng karamihan.
  • Malakas ang loob magpa-like ng fanpage.
  • Malakas ang loob mang-snob.
  • Maraming kalandian.
  • Maraming kaibigan.
  • Kahit walang kwenta ang post , may notes pa rin.
  • Maraming nag-tatag sa kanila.
  • Feeling nila maraming may gusto sa kanila.
  • TINATAMAAN SILA NGAYON.

Srsly guys? Di ko gets point neto. Ha ha ha

Tinamaan ka no? HAHAHAHAHAHA

(Source: thyloveblog)


321 notes ! Reblog ! 2 weeks ago
Papogi muna bago umalis. Hahahaha. Kaawa nakaweeds.

Papogi muna bago umalis. Hahahaha. Kaawa nakaweeds.


8 notes ! Reblog ! 2 weeks ago

"I give up, I don’t want to care anymore."

-Easy to say, but hard to do.
8 notes ! Reblog ! 2 weeks ago
1 2 3 4 5 »
Theme By: Heloísa Teixeira